Pangilinan, Gordon ‘wag iboto –Du30

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag iboto sina vice presidential aspirant Sen. Francis Pangilinan at Sen. Richard Gordon sa darating na halalan.


Inirason ni Duterte na dahil sa Juvenile Justice Welfare Act, ang batas na ginawa ni Pangilinan, tila hinihimok ng pamahalaan ang mga kabataan na gumawa ng krimen.


“Our problem now is the robbers that you see on boulevards snatching stuff and running who are caught on camera. Do you know why they are so bold to do that daring? Because in their experience previously, under the Pangilinan law, they are not imprisoned,” paliwanag ng Pangulo.


“Actually, don’t vote for those two — Gordon and Pangilinan. They have been in the Senate for a long time. Remove them… They seem to have similar brains. This Pangilinan really does not use his brain,” dagdag pa ni Duterte.


Samantala, hindi naman binanggit ni Duterte ang dahilan kung bakit ayaw niyang iboto ng publiko si Gordon.


Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng sagutan sina Gordon at Duterte dahil sa imbestigasyon ng Senado ukol sa mahal na pagbili ng medical supplies ng pamahalaan sa simula ng pandemya. –WC