IPINAG-UTOS ng Palasyo ang imbestigasyon kaugnay ng pag-atake sa grupo ni Ka Leody De Guzman sa Quezon, Bukidnon kung saan dalawa ang nasugatan.
“Violence has no place in any civilized society and we condemn the incident in Bukidnon where gunshots were allegedly fired against the camp of Ka Leody de Guzman,” sabi ni Acting Presidential aspirant Martin Andanar.
Kumalat ang video ng pag-atake ng mga armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng aktibidad ang grupo nina Ka Leody, labor leader at presidential candidate ngayong darating na halalan, at mga miyembro ng indigenous group.
“We urge the local authorities to conduct a thorough investigation and prosecute those behind this dastardly act,” dagdag ni Andanar.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Nanie Abela, isang organize ng mga magsasaka sa Mindanao at isa pang hindi pinangalanang miyembro ng Manobo-Pulangiyon.