SINABI ni Senator Manny Pacquiao na imbes na ang ‘kakapiranggot’ na P200 ayuda ang ibigay sa mahihirap na Pilipino, bigas na lamang ang dapat ipamahagi ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Idinagdag ni Pacquiao na sa mga lokal na magsasaka rin dapat bumili ng bigas ang pamahalaan.
“Kakapiranggot masyado ang P200 kada buwan na ayuda sa mga pamilyang mahihirap. Hindi yan sasapat para maka-survive ang mga hikahos sa buhay kaya mas maganda siguro na isang sakong bigas na lang ibigay,” sabi ni Pacquiao.
“Pag may bigas ka kasi at mahirap ka, kahit papaano may kaunting mantika ka dyan at may asin o toyo ka, pwede mo nang maitawid ang gutom mo. Sigurado ka pa na sa pagkain mapupunta at hind isa ibang bagay,” ayon pa kay Pacquiao.