NAGSANIB ng pwersa ang mga presidential candidates na sina Senador Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo para sa mga apektado ng bagyong Odette.
Sinimulan ni Pacquiao ang panawagan nang hingin nito ang tulong at pakikiisa ng mga kapwa niya kandidato sa pagkapangulo na magtulong-tulong para sa mga biktima ng bagyo at isantabi muna ang pulitika.
“I appeal to my fellow candidates, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Ping Lacson, Ka Leody, that due to the devastation of typhoon Odette that we set aside all politics and join together all our resources to help our fellow Filipinos in Visayas and Mindanao,” ayon sa post ni Pacquiao sa Facebook at Twitter.
“Magsama-sama tayo upang tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Now is the time to come together as one. Tulungan natin sila,” dagdag pa ng senador.
Mabilis naman itong tinugon ni Robredo sa Twitter.
“Joining you in this call, Sen. Manny… Our team will get in touch with yours,” ayon kay Robredo.
“Thank you VP Leni. Let’s begin coordinating our efforts, we already prepared cargo lanes so we can mobilize and respond quickly,” tugon naman ni Pacquiao.
Libo-libong pamilya na ang inilikas mula sa Visayas at Mindanao bago pa manalasa ang bagyong Odette nitong Huwebes.