TATAKBO bilang pangulo si Senador Manny Pacquiao sa ilalim ng PROMDI political party dahil sa patuloy na tensyon na kinakaharap ng PDP-Laban na pinag-aagawan ng dalawang paksyon.
Si Pacquiao ang lider ng isang paksyon ng PDP-Laban kasama si Senador Koko Pimentel habang ang isa ay pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at Pangulong Duterte.
Naghain na ng kanyang kandidatura si Pacquiao sa ilalim ng partidong Probinsiya Munda Development Initiative (PROMDI) saunang araw ng filing ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).
Ang PROMDI na isang national political party ay binuo ng dating Cebu Governor Lito Osmeña. Inendorso ng partido ang kandidatura ni Pacquiao noong Sept. 26.
“We decided to file under PROMDI because of the problems in PDP,” ayon sa senador.