TINANGGIHAN ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ang alok na maging vice presidential runningmate ni dating Senador Bongbong Marcos sa darating na 2022 elections.
Ayon kay Pacquiao mas matutugunan niya ang mga pagbabagong kanyang isusulong kung siya ang magiging pangulo ng bansa.
“While I’m flattered that various camps [are] seeking me to be their VP, it requires the Presidency para magawa ang mga pangako ko sa mga mahihirap at sa mga nagsisikap na mula sa hirap,” ayon kay Pacquiao.
Ginawa ng Pacquiao ang pahayag matapos sabihin ni Senador Imee Marcos na tinitingnan nila ang posibilidad na kumuha ng ka-tandem ng kanyang kapatid na may hatak sa Visayas at Mindanao.
“Our time is now. Para Ipanalo ang mga mahihirap. Nakikita natin na lumalaki ang grassroot support araw araw habang umiikot tayo sa buong bansa. Naririnig ko ang daing at nais ng mga kapwa natin at mga kasama natin na galing sa mababang antas ng lipunan,” dagdag pa ni Pacquiao.