TINIYAK ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang lokal na industriya ng showbiz upang makasabay sa mga Asian talents na hinahangaan sa buong mundo gaya ng BTS at mga aktor ng K-drama.
Sa isinagawang press conference, ipinaliwanag ni Moreno na kailangan na mag-invest sa industriya na dati niyang kinabibilangan para makabuo ng mga mas kaledad na pelikula at television shows na aabangan at susundan sa loob at labas ng bansa.
“If we can go on the same path where the Korean government spent so much money to develop their movie industry, I think we can do the same. It took them 20 years to introduce Korean culture through visual arts to the world, we can do it as well” pahayag ni Moreno.
Kung susumahin, malaking tulong sa ekonomiya ng South Korea ang entertainment industry nito.
Sa loob ng 30 taon, ang K-Pop ay nakapagbuo ng mga grupo na tumatak sa buong mundo gaya ng pinakasikat na boy group ngayon na BTS at girl group na Black Pink. Hindi na rin mapigilan ang pag-arangkada ng Korean drama, television shows at pelikula na in-demand sa streaming services gaya ng Netflix.
“Imagine how Korean culture is now ingrained globally. All because of their entertainment industry that is also contributing substantially to their economy,” dagdag pa ni Moreno.
“So just imagine if we can do the same for our talents and artists. They can surely conquer the world… the entertainment world. Imagine how it can help our economy grow. If BTS can do it, hopefully someday, somehow, we can do it also,” aniya pa.