P102M shabu nasamsam sa Caloocan

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P102 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

Isang lalaki rin ang naaresto sa operasyon at nakilalang si Randy Rafael Rodriguez, 42, at residente ng Pasay City.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon alas-12:20 ng madaling araw nitong Linggo sa Baesa Road, Barangay 161.

Isang kilo ng sinasabing shabu na nakatago sa pakete ng Chinese tea ang ibinenta diumano ng suspek sa operatiba ang nakumpiska sa suspek kabilang ang dalawang marked bills na tig-P1,000 at 10 bundle ng fake money, at cellphone.