KABILANG ang NORA A o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts ni Nora Aunor sa 107 party-list na ibinasura “with finality” ng Commission on Elections.
Kaugnay nito, wala pa ring pahayag si Ate Guy (palayaw ni Nora) kaugnay sa desisyon ng Comelec.
Matatandaang, marami ang kumukwestiyon kung anong marginalized sector ang kinakatawan ng NORA A at kung may nagawa na ito para sa lipunan.
Maliban sa NORA A, tinanggihan din ng Comelec ang aplikasyon ng party-list registration ng Nurses United, LGBTQ Plus, at transport groups gaya ng Manibela at TDP Truck Drivers PH.
Pending naman ang status ng LOGRO Kusinero ni Chef Boy Logro, Mother for Change ni Mocha Uson, at Malasakit Movement ni Celine Pialago.
Ilalabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga pasok na party-list bago matapos ang buwan.