Isko susuportahan, iboboto si Digong

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na iboboto niya si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa eleksyon sa 2022.

Idinagdag ni Moreno na plano rin niyang isama si Duterte bilang bahagi ng senatorial slate ng Aksyon Demokratiko Party.

“Kung dati, sinasabi kong tatlo lang ang senador ko kaya siyam na lang ang proproblemahin niyo, ngayon ang sasabihin ko, walo na lang ang pag-iisipan niyo dahil may pang-apat na kong kandidato, si Pangulong Duterte,” dagdag ni Moreno.

Pinuri rin ni Moreno si Duterte sa mga nagawa nito sa anim na taong panunungkulan.

“Let’s give credit where credit is due. President Duterte has so many accomplishments. And I believe that he can be an effective senator since through legislation, he can ensure that his legacy will be institutionalized,” ayon pa kay Moreno.