UMAPELA si presidential aspirant na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang mga tagasuporta na manatiling kalmado kapag kinompronta ng mga supporters ng ibang kandidato.
“While we understand and appreciate the zeal of our supporters, we encourage everyone to exercise restraint especially when faced by supporters from rival candidates,” ani Marcos.
“Understand as well that there will be selfish interests who might agitate us in the hopes of fomenting violence or instability. We must resist such agitation, resist mistaking election rhetoric for personal attacks,” dagdag niya.
Matatandaan na nagkainitan ang mga tagasuporta nina Marcos at Vice President Leni Robredo nang magkaharap sa isang mall sa Makati ngayong linggo.
Idinagdag ni Marcos na hindi kailangang magkasakitan ang mga Pinoy kahit pa may iba’t-ibang paniniwala ang mga ito.
“(We) should stop being adversaries and remember that we are compatriots under one flag,” aniya pa.