IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang natitirang disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr
Sa 10-pahinang ruling, ibinasura ng First Division na pinangungunahan ni presiding commissioner Socorro Inting at mga miyembrong sina Commissioner Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca-Neri, ang kaso dahil sa lack of merit.
Ayon sa First Division, hindi ito kumbinsido na si Marcos ay gumawa ng krimen na may kaugnayan sa moral turpitude – isang ground para madiskwalipika na makatakbo sa halalan sa ilalim ng election code — nang hindi siya mag-file ng kanyang income tax returns (ITRs) noong panahong siya ay vice governor at governot ng Ilocos Norte.