WALANG balak daluhan ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nakatakdang presidential forum na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.
Ayon kay KPB President Herman Basbaño, hindi dadalo si Marcos Jr. sa forum dahil sa conflict of schedule.
“May letter naman sila declining the invitation…that’s because of some conflicts sa mga schedules nila,” paliwanag ni Basbaño.