NANINIWALA ang kampo ni presumptive president Bongbong Marcos na walang hurisdiksyon ang Korte Suprema para pigilan ang Kongreso sa gagawing canvassing at proklamasyon ng mga nanalong pangulo at bise presidente sa nakaraang eleksyon.
Ayon sa abogado ni Marcos na si Estelito Mendoza na maliwanag ang Konstitusyon na matatapos ang termino ng nakaupong pangulo alas-12 ng tanghali at magsisimula naman ang termino ng bagong pangulo.
“That is a matter vested in the Comelec, there is no provision stating the SC can intervene on that issue,” sabi ni Mendoza.
Binigyan si Marcos, Comelec, Senado at Kamara na magkomento sa mga petisyon inihain na nananawagan sa Korte Suprema na ikansela ang certificate of candidacy ng dating senador.