PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandito na hindi maaaring mangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo.
Diskwalipikasyon ang naghihintay sa sinumang kandidato na hindi tatalima sa kautusang ito, ayon pa sa Comelec.
“Sinasabi nga po eh, ‘Give unto Caesar what is for Caesar and to God what is for God,’ and ang ibig sabihin po natin dito, baka naman po pwede na pakiusap naman po — at ‘yan naman po ay isang patakaran na nasa ating mga umiiral na batas at resolusyon ng Commission on Elections — bukas po ay bawal mangampanya at sa Biyernes,” ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.
Sa halip na mangmpanya, hinikayat ni Garcia ang mga kandidato na mangilin at magnilay ngayong Semana Semana Santo.
“Dalawang araw na nga lang po ang sinabi eh, mangangampanya pa, di ba? Ibigay na natin sa pagninilay nilay. This is our highest sense of religiosity. Ibigay na natin ang pagninilay nilay sa mga Pilipino. Baka pwedeng pahingahin naman natin,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ng Comelec na ang Huwebes Santo at Biyernes Santo ay itinuturing na “quiet period” at ang pangangampanya sa mga araw na ito ay isang election offense na may parusang isa hanggang anim na taong pagkakulong, diskwalipikasyon sa pampublikong opisina at pagkawala ng karapatang bumoto.