SINABI ni Davao City Mayor Sara Duterte na isusulong niya ang mandatory military training ng mga 18-anyos sakaling manalo sa pagka-bise presidente sa Mayo.
Idinagsag ni Duterte na isusulong niya sa Kongreso ang pagpasa ng batas kaugnay ng kanyang pakula.
“I will use my office, the Office of the Vice President, to ask the House of Representatives and Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,” sabi ni Duterte sa kanilang virtual caravan ng running mate na sa Bongbong Marcos.
Aniya, ginagawa na sa Israel at South Korea ang polisiya ng mandatory military training.