IKINATUWA ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pag-eendorso ng Makabayan bloc sa kandidatura niya at ng kanyang ka-tandem na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.
“Nagpapasalamat si VP Leni at Sen. Kiko sa suportang inihayag ng Koalisyong Makabayan sa kanilang kandidatura,” sabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez.
Mismong si dating Bayan Muna representative Neri Colmenares ang naghayag ng pagsuporta ng Makabayan bloc sa Leni-Kiko tandem sa kabila nang hindi pag-eendorso sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
“Binubuksan nito ang landas sa mas malalim na pagkakaisa para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.” dagdag ni Gutierrez.