MAGSASABONG sa pagkabise gobernador ng Ilocos Sur sina Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson at anak niyang si Gov. Ryan Singson makaraan nilang mag-file ng certificate of candidacy ngayong araw.
Nag-file si Chavit ng COC kasama ang kapatid at running-mate niyang si Vice Gov. Jerry Singson, at anak na si Ronald, na tatakbo naman bilang kongresista.
Samantala, sinabi ni Rep. DV Savellano, na tatakbo sa kaparehong puwesto, na nag-file na rin ng COC si Ryan para vice governor kasama ang asawa at running-mate na si Patch Savellano Singson.
Tatakbo rin Chavit sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition habang si Ryan ay sa Bileg Party.