LP umaasang tataas pa survey ranking ni Leni

NANINIWALA si Liberal Party president Sen. Francis Pangilinan na tataas ang ranking ni Vice President Leni Robredo sa mga survey kapag nagdeklara na ito ng kandidatura.


“We believe tataas pa ‘yan but, of course, magiging maliwanag lang ‘yan ‘pag alam ng botante kung sino ang kandidato,” ani Pangilinan.


“We all know when she ran for vice president she was only one percent. From one percent naging 34 percent. So we believe, for example, some of the candidates na hindi tutuloy ‘san pupunta yung mga boto na yon, ‘di ba? Lilipat ‘yon. Maaaring lumipat sa kanya. Meron pang undecided,” dagdag ng senador.


“Kaya yung undecided sa isang poll natin, that is also a big factor. Saan pupunta ‘yung undecided na ‘yon? Siyempre kung hindi nila alam na kandidato si VP ba’t ipipili nila? E kung mag-file siya ng kandidatura at nalaman nila e baka magbabago at magkakaroon ng adjustment,” aniya pa.


Sa latest pre-election survey Pulse Asia, nakakuha lamang si Robredo ng walong porsyentong voter preference.