UMALMA ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa mga paratang na nagbayad ito ng P800 milyon kapalit ng pag-eendorso sa kanya ng Partido Reporma.
“We are a campaign thriving on initiative and volunteerism, and we certainly do not have 800 million pesos to give away to anyone. It is clear to us that the support for VP Leni’s presidential bid is anchored on the hope that she can reform government and bring a better future for all Filipinos,” sabi ng kampo ni Robredo sa isang pahayag.
Ito ay matapos sabihin ni Senador Panfilo Lacson na inilaglag siya ng Partido Reporma ni Davao Del Norte Gov. Pantaleon “Bebot” Alvarez matapos siyang mabigong makapagbigay ng P800 milyon na pondo.