Leni to Magalong: Apology accepted

TINANGGAP ni Vice President Leni Robredo ang paghingi ng paumanhin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos ang nangyaring paninigaw sa nito na si Jillian ng isang residente habang nasa palengke nitong nakaraang araw.

“Thank you very much, Mayor Benjie, but there is no need to apologize. This unfortunate incident does not diminish our love and respect for the people of Baguio,” sabi ni Robredo sa isang Tweet.


Nauna nang nag-sorry si Magalong matapos ang nangyaring naranasan ni Jillian habang nagsasagawa ng pag-iikot sa Baguio City Market para ikampanya ang ina.

Sinabi ni Magalong na isolated lamang ang nangyari at sa pangkalahatan ay mababait ang mga taga-Baguio City.