DINUMOG ng may 45,000 katao ang rally ni presidential candidate Leni Robredo sa Basilan ngayong Huwebes.
Si Robredo ang kauna-unahang presidential bet ang nagtungo sa Basilan simula pa noong 1992 nang puntahan ito ng noo’y presidential candidate at dating Senador Jovito Salonga.
Sa social media, trending ang #BasilanisPink matapos ligawan ni Robredo at ka-tandem nitong si Senador Kiko Pangilinan ang mga taga Isabela City.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Robredo na makailang beses na siyang dumalaw sa Basilan bilang bise presidente dahil sa mga proyekto niya sa lalawigan.
Anya, marami ang ayaw puntahan ang lugar dahil sa bukod sa sobrang layo ay maraming nagsasabi na hindi ligtas na lugar ito.
“Pero gumagawa kami ng paraan,” pahayag niya sa mga dumalo sa kanyang rally.