Leni isa-isang binakbakan mga kalaban

MATINDI ang pinakawalang deskripsyon ni Vice President Leni Robredo laban sa kanyang mga kalaban sa presidential race sa ginawang panayam sa kanya ng TV host na si Boy Abunda nitong Miyerkules.

Nagbabala si Robredo sa publiko na nag-iisip na bumoto sa dating senador na si Bongbong Marcos.

Sa tanong ni Abunda na bakit hindi dapat iboto si Marcos, ito ang naging tugon ni Robredo:
“Number one, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments, hindi siya nagpapakita.”

Nang tanungin naman siya tungkol kay Isko Moreno, tugon ni Robredo, hindi malinaw umano ang maraming bagay tungkol sa alkalde ng Maynila.

Kulang naman daw sa gawa si Senador Panfilo Lacson sakabila ng maraming salita nito.

Kung bakit hindi naman daw dapat iboto si Senador Manny Pacquiao, tugon ni Robredo na hindi sapat ang kabutihang loob lang na ipinapakita ng senador.

“Ito malungkot ito, pero ‘yong kabutihan ng loob kasi sa atin hindi sapat,” paliwanag niya.