KINONTRA ni Vice Leni Robredo ang pahayag ng kampo ni Manila Mayor Isko Moreno na kumukuwesyon sa ginagawang pagsuporta sa kanya ng Simbahang Katoliko.
“Ang assessment ko, kaya ang Simbahan mas aktibong tumulong, kasi alam nila what’s at stake — hindi na lang ito pagkampi sa mga pulitiko, pero yung moralidad natin ot bilang isang bansa, nakataya rito,” sabi ni Robredo.
Ginawa ni Robredo ang pahayag matapos kuwestiyunin ng campaign strategist ni Moreno na si Lito Banayo ang pakikipagkita ni Robredo sa mga lider ng Simbahan.
Ayon kay Banayo hindi umano katanggap-tanggap ang ginagawang pagsuporta ng Simbahan sa mga kandidato.
“Ako, naniniwala, ang Diyos po ang gumagamit sa Simbahan, hindi po ang pulitiko,” sabi naman ng katandemo ni Robredo na si Senador Kiko Pangilinan.