Leni hindi disqualified–Comelec

IBINASURA ng Commission on Elections ang mga kumakalat na social media post na sinabing nadiskwalipika sa pagtakbo sa halalan si Vice President Leni Robredo.


Sa Twitter, inihayag ni Comelec spokesman James Jimenez na, “VP Leni Robredo has not been disqualified. Video and articles that imply or suggest otherwise are #fakenews.”


Kumalat online na nadiskwalipika umano si Robredo makaraang lumikha ng online fundraising page para sa kanyang kampanya ang Team Leni Robredo.


Ayon sa organizers, pwedeng mag-donate ng P50 at pataas ang mga supporters ni Robredo.


Klinaro naman ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na walang kinalaman ang vice president sa inisyatibo.


“The crowdfunding page is a volunteer initiative led by TLR,” giit Gutierrez.