Mayoralty candidate tiklo sa shabu

SHOOT sa kulungan ang kumakandidatong mayor sa Kabuntulan, Maguindanao na nakunan ng P3.4 milyong halaga ng shabu nitong Huwebes.


Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, matagal na nilang minamanmanan ang suspek dahil sa mga ulat na ito ang nasa likod ng talamak na bentahan ng droga sa bayan.


Sa isinagawang raid, nasamsam sa bahay ng ng suspek sa Midsayap, Cotabato Province ang 10 sachet ng shabu.


Nakakumpiska rin ng kalibre .45 baril sa suspek.