IGINIIT ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na hindi siya aatras sa anumang interview.
Ito ang naging pahayag ni Robredo matapos hindi nito mapaunlakan ang interview ng DZRH.
Ayon kay Robredo, mayroong conflict of schedule kaya hindi ito natuloy.
Pero aniya, handa naman siya kung irereschedule ang nasabing interview.
“Ang totoo: I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved. Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up,” sinabi ni Robredo.
“Actually puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, iset na natin. Handa naman ako lagi humarap,” dagdag pa niya.
Kamakailan ay nabatikos si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos hindi dumalo sa interview sa GMA Network at tinawag na biased ang veteran journalist na si Jessica Soho.