LABIS ang pasalamat ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) sa Iglesia ni Cristo (INC) sa pag-endorso nito sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.
“In behalf of Lakas-CMD, under which Mayor Sara is running for vice president, let me express our sincerest gratitude to the INC and its millions of members for supporting our candidates. There are no words to describe our appreciation for their decision, and we cannot thank them enough,” ayon kay House Majority Leader and Lakas-CMD party president Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez.
Nangako naman ang kampo ni Marcos Jr. na hindi bibiguin nina Marcos at Duterte ang Iglesia sa tiwalang ibinigay sa kanila ng religious group.
“Ang ganitong pagtitiwala ang siyang magiging gabay nila…sa pamumuno ng ating bansa sakaling sila ay palarin at ihalal ninyo sa darating na eleksyon sa ika-9 ng Mayo,” ani Rodriguez.
“Amin pong pakahahalagahan ang suportang inyong ibinigay katulad din sa suportang ipinamalas ng higit sa mayorya ng ating mga kapwa Pilipino,” dagdag niya.
“Sa ating mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo, taos pusong pasasalamat po!” pahayag pa ng abogado.