2 nag-FB live habang nagsa-shabu, tiklo

SHOOT sa kulungan ang dalawang residente ng Alcala, Pangasinan na nag-live sa Facebook habang nagsa-shabu.

Nasakote ang dalawa, na hindi pinangalanan, makaraang mapanood ng mga otoridad ang pagbabandera nila sa pagbatak.

Nakumpiska sa mga suspek, isang lalaki at isang babae, ang mga paraphernalia na ginamit nila sa online drug-taking.

Bago ang ginagawang raid sa puwesto ng mga suspek, ginulat nila ang kanilang mga friends sa Facebook nang ibungad nila sa Live ang hawak nilang shabu.

Lalo pang nawindang ang mga netizens nang simulang bumatak ang dalawa na walang takot na ipinakita ang kanilang mga mukha.

Sinampahan ng reklamong drug possession ang dalawa, na nagpositibo sa drug test.