HANDA si presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na i-share ang kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III na maging kandidato rin ng ibang presidential candidates.
Ayon kay Lacson, maaaring maging vice president ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao si Sotto.
“Ako naman, willing ako i-share na si Senate President, common candidate namin ni Senator Manny. Mag-attend na silang dalawa sa aming rally mamaya, itaas namin ang kamay ni Senate President as our common vice presidential candidate,” sinabi ni Lacson.
“Gusto niya magkasama pa kaming tatlo sa stage kapag nagrally eh, pareho naming itinataas ‘yung kamay ni Senate President. May kanya-kanya naman kaming platform eh, eh di bahala na ‘yung tao na mamili sa aming dalawa ni Senator Pacquiao,” dagdag pa niya.
Sinabi ito ni Lacson matapos himukin siya ni ng ka-tandem ni Pacquiao na si Lito Atienza na isuko ang kanyang presidential bid para magka-tandem sina Pacquiao at Sotto.
Tinanggihan ni Lacson ang kahilingang ito. Humingi rin ng tawad si Atienza kay Lacson.