MINALIIT ng mga kumakandidato sa pagkapangulo at bise presidente ang pamamayagpag nina Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinaka huling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Enero.
“Surveys do not represent the sovereign will of the people. Election does,” sabi ni Senator Panfilo Lacson.
Ito’y matapos makakuha lamang si Lacson ng 6% kumpara sa 50% ni Marcos.
Naungusan din ni Duterte si Senate President Vicente Sotto III matapos makakuha ang una ng 44% kumpara sa 33% ng huli.
“Traction is on. Our numbers are up and our countrymen are absorbing our platforms. In the end, experience in national concerns, competence and track records will spell the difference,” giit ni Sotto.