PINAGWI-WITHDRAW bilang nominado ng party-list group na Tingog Sinirangan ang aktres/TV host na si Karla Estrada ng mga fans ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ka-love team nito na si Kathryn Bernardo.
Nitong Biyernes ay nag-trending sa Twitter ang #WithdrawKarlaEstrada makaraang maghain ng kanyang kandidatura si Karla bilang nominado ng nasabing party-list group.
Pinunto ng mga fans ng KathNiel na ang kasalukuyang kinatawan ng grupo, si Yedda Romualdez, ay isa sa mga bumoto para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.
Talents ng nasabing media giant ang KathNiel. Ilang taon ding nagkaroon ng TV show si Karla sa network.
Ilang fans ng KathNiel ang nagpahayag sa Twitter na hindi sila makikialam sa politika, pero marami ang nagbanta na tatalikuran ang popular na love team kapag natuloy ang pagtakbo ni Karla.
“Nilaban namin kayo eh. Nilaban namin ang network. Tapos eto? #WithdrawKarlaEstrada,” himutok ni @ikaytinatangl_
“Hindi ako natatakot bitawan ang kathniel kung ang kapalit naman non ay ang mas magandang kinabukasan para sa mga pilipino#WithdrawKarlaEstrada,” ani @moonthrilled
“Karla jobless era doesn’t mean you could go run for a government position. KathNiels will not support this shitshow kahit mahal namin anak mo. We know better and this country only deserves the best. @imdanielpadilla turuan mo nanay mo hanggat may oras pa mag withdraw,” hirit ni @tismcoupdetat.
“kath and deej, sana lang ay ipaglaban niyo kami. Pilipino tayo. Di tayo nakakalimot, hindi ba? #WithdrawKarlaEstrada,” sey ni @WrtrYvan.
“This is not about fangirling anymore! Stand for you know what is right!!! Mahal kita Daniel sobra. But supporting your mom entering to politics is a NO for me. Although her intentions are genuine, politics is a different world,she can help but not like this! #WithdrawKarlaEstrada,” rant ni @jenexy35.
“Why join a Party-List that voted vs the franchise renewal of ABS-CBN, the Kapamilya firm that gave you & your son a lot of opportunities? I don’t get it. Karla Estrada should rethink this. Whatever her reasons are, the optics still look bad. It’s like sleeping w/ the enemy,” obserbasyon ng isang @mrfrankbaraan.
“Partylist kung saan may nag YES to ABS-CBN Shutdown which is your “home network” at partylist ng mga Marcos Apologist? Excuse me, you should have known better. Wag mag bulag-bulagan. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh. LAST.#WithdrawKarlaEstrada,” dagdag ni @rrrysxx.
“@imdanielpadilla daniel, ikaw nalang pagasa namin. wag kana tumulad sa mga kamaganak mo. ðŸ˜#WithdrawKarlaEstrada” ayon naman kay @kndiaryy.