NANGUNA si presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno bilang second choice sa presidential preference na isinagawang survey ng Pulse Asia.
Nakakuha ng 26 porsiyento si Moreno sa second choice presidential preference habang ang pumangalawa sa kanya na si Senador Manny Pacquiao ay merong 13 percent.
Sa first choice presidential preference, pumangatlo si Moreno (10%) kina dating Senador Bongbong Marcos (60%) at Vice President Leni Robredo (15%), habang nasa ika-apat si Pacquiao (8%).