AAMYENDAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang party-list system sakaling manalo siyang pangulo sa darating na halalan.
Sa ikalawang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo, sinabi ni Moreno dapat bigyan ng kapangyarihan ang poll body para matiyak na natutupad ang orihinal na layunin ng party-list system.
“Party-list system must continue, but we have to put safeguards whether through empowerment of Comelec on distinguishing membership of the party-list or their representation or nominees,” ayon kay Moreno.
“Are they really representing the marginalized? Dapat gumawa tayo ng batas… Change the political system,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Moreno na nais niyang muling pag-aralan ang party-list system.
“Ang nangyayari ngayon, parang ang nagiging partylist ay mga mayayaman na, hindi na yung mga sector na nangangailangan ng tulong,” sinabi ni Moreno.
Isinusulong nito ang two-party political system sa bansa.
“Isama ko na siya sa akin pong initiative na proposal na change of political system natin. It is high time na tayo ay bumalik sa two-party system,” sinabi niya.