Inday Sara hindi talaga tatakbo –Cusi

IPINAGDIINAN ni PDP-Laban president Alfonso Cusi na “klaro ang desisyon” ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi ito tatakabo sa pagkapangulo.


“Yung kay Mayor Inday Sara substituting Bato (Sen. Ronald Dela Rosa) is something na hindi namin na-consider because very clear naman ang statement ni Mayor Inday na hindi siya tatakbo under PDP. So kung hindi siya, paano namin isa-substitute ‘yun?” paliwanag ni Cusi.


Pero pasubali niya na marami pang posibleng mangyari bago ang Nobyembre 15.


Kamakailan ay sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperon James Jimenez na pwede pa ang substitution kung ito ay manggagaling sa parehong partido.


“Nung hindi po nangyari ‘yun and the President said ‘I’m not going to run anymore,’ we made an adjustment in the party because we cannot be orphaned na wala kaming kandidato na presidente saka vice-president. Ang pinakamabilis nun, pinag-file na po si Sen. Bong Go for vice-president,” ani Cusi.


Dagdag niya, napili ng partido ang senador dahil sa mga adbokasiya nito.


“Why did we put Sen. Bato? It’s because he has that advocacy, he supports the program of the president so he can advance the party’s program. Yun ang hinahanap namin sa presidente,” ani Cusi. –A. Mae Rodriguez