HINDI dapat maliitin o i-underestimate si presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Ito ang sinabi ngayon ni Senador Imee Marcos matapos tanungin hinggil sa opinyon ukol sa magiging kalaban ng kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.
“Sa totoo lang lahat ‘yan ay matitindi. May kaniya-kaniyang galing ‘yan kaya wala kaming minamani diyan,” ayon sa senador.
“Lahat sila mabibigat, lahat may baluarte, lahat may narrative na ika nga na napakahirap buwagin,” dagdag pa nito.
Natalo ni Robredo si Marcos sa pagka-bise presidente noong 2016 elections. Nagsampa ito ng election protest ngunit natalo.