Gordon hindi tatakbo sa halalan

WALA na sa isip ni Sen. Richard Gordon ang pagtakbo sa 2022 elections dahil kailangan niyang tutukan ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalya umanong negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at Pharmally Pharmaceutical Corp.


Isiniwalat din niya na hanggang nitong Huwebes ng gabi ay kinukumbinse pa rin siya ni Sen. Manny Pacquiao na maging running-mate nito.


“You know, believe this or not, I have perished that thought at the moment, because I’m totally focused on the [Senate hearing],” ani Gordon.


“People come here, somebody from Mr. Pacquiao came here yesterday–a good friend of mine, up to the last minute, he wanted me to be his vice president, sabi ko, wala sa isip ko ‘yan,” dagdag niya.


“Ang nasa isip ko, itong imbestigasyon, and to tell you the truth I am really nahihirapan because my family, I’m under severe–I’m not under pressure from my wife and last night we talked about it again, talagang nahihirapan kami because itong mga ginagawa ay hindi na maganda sa ating bayan, at ang tagal-tagal na namin rin nagsisilbi,” sabi pa niya.


Noong nakaraang buwan ay inihayag ni Gordon na pinag-iisipan niya kung tatakbo siyang presidente, senador o alkalde ng Olongapo City.


Pero sinabi na hindi siya sigurado sa plano para sa 2022 dahil kailangan niya na isaalang-alang ang kanyang pamilya. –A. Mae Rodriguez