KAILANGAN pa ni Pangulong Duterte ng oras para pag-isipan kung sinong ipapalit niya kay Senador Bong Go bilang pambato ng administrasyon sa darating na halalan.
“The President has options and choices he has to make, and we should give him time to make those options, to make those choices, to make those decisions,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na siya ring acting presidential spokesperson.
Anya pa, hayaan umano ang pangulo na magkaroon ng opsyon kung iaanunsyo pa nito kung sino ang kanyang mamanukin at kung kelan niya ito gagawin.
Ito ang naging tugon ni Nograles matapos usisain kung si dating Senador Bongbong Marcos ba ang ieendorso ni Duterte matapos mag-witdraw si Go sa pampanguluhan.
Si Marcos ang running mate ng anak ng pangulo at ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbong bise presidente.