TINIYAK ni PDP-LABANpresident Alfonso Cusi na mag-eendorso si Pangulong Duterte ng kanyang mamanukin para sa May 9 elections.
Gayunman, ang tiyak na makakakuha ng basbas ng pangulo ay kung sino ang makapagtitiyak na maipagpapatuloy ang nasimulang programa ng administrasyong Duterte, dagdag ni Cusi.
“We will only endorse the presidential candidate who is fully committed to the continuity of President’s programs, advocacies and vision for the Philippines. These are non-negotiable,” sabi ni Cusi.
Una nang naghayag si Manila Mayor Isko Moreno na umaasa siyang siya ang bibigyang basbas ni Duterte.
Idinagdag ni Cusi na marami pa rin mga kandidato ang nais ng basbas ni Duterte dahil sa nananatiling mataas na rating nito sa mga survey.
“I understand why many of our candidates have desired the support and endorsement of President Duterte and the PDP Laban’s, as only our beloved President has maintained a very hight support from the people, even during the end of his term,” ayon pa kay Cusi.