IPRINOKLAMA bilang bagong alkalde ng Dolores, Eastern Samar ang market vendor na si Rodrigo “Onoy” Rivera.
Nakakuha si Rivera ng 11,508 boto laban sa 10,946 ni Zaldy Carpeso, ang doktor na kapatid ng outgoing mayor na si Shonny Carpeso, na nagwagi naman bilang vice mayor.
Naging barangay chairman nang siyam na taon si Rivera at nang matapos ang termino ay nagtinda ito ng isda at gulay sa palengke.
“I asked help and thanked God. I thanked Him for granting my prayer. This victory is for the people, to provide the services that the people need, a service from the government that everyone can avail,” ani Rivera sa Waray.