UMAMIN si Doc Willie Ong, ka-tandem ni presidential candidate Isko Moreno, na meron ding kumausap sa kanya para mag-withdraw at suportahan na lang ang isang kandidato.
Sa kanyang livestream sa Facebook ngayong Sabado, sinabi ni Ong na noong Disyembre ay may kumausap sa kanya at hiniling na umurong na lamang sa kanyang kandidatura.
Pingakuan din umano siya ng nasabing tao, na hindi niya pinangalanan, sa sandaling manalo ang kandidatong isinusulong nito.
“Ang sabi sa akin, two weeks before election meron daw siyang pakiusap sa akin. Ang pakiusap daw nya, sabihin ko daw, na aatras ako? Ano ako, sira ulo? Sabihin ko daw aatras ako tapos susuportahan daw yung isang kandidato,” ayon kay Ong.
Pinangakuan umano siyang hahawak ng Department of Health at isasama sa senatorial slate sa 2025 elections.
“OK ka na, sa ‘yo na ang DOH, sa ‘yo na ang 2025 Senator, ipi-print pa kita ng t-shirt, malamang may budget ka pa,” dagdag pa ni Ong.
“Alam ba to ng boss nya o gawa-gawa lang niya ? I will not speculate. I will not speculate, alam mo naman hindi din ako maninira, hindi ko din sasabihin kung sino. But the point is, the point is, ganoon ang galawan,” ayon pa kay Ong.
Iginiit pa ni Ong na wala siyang balak umatras.