BAGAMAT walang direktang inendorso, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na pumili ng bagong pangulo ng bansa na compassionate, abugado, mayor at handang pumatay para sa bayan.
Sa isang panayam ni Pastor Apollo Quiboloy inisa-isa ni Duterte ang mga katangian ng isang presidente.
“First, the president should be a compassionate one, ‘yung para sa tao talaga,” sabi ni Duterte.
“If there is somebody who would ask me on what it would be, sabihin ko, you must love the human being. Kailangan mahal mo talaga ang kapwa mo tao. So kayong taga-Davao, nakita ninyo ‘yan. So must be compassionate. Pero extreme lang ako,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na dapat ay abugado at dating mayor din ang susunod na presidente.
“One of the good qualities of a president sana abugado. Isang tingin mo lang maka-decide ka na kaagad, and the repercussions…And the third that he must be a good judge of tao,” dagdag ni Duterte.
Ayon pa kay Duterte, dapat ding marunong pumatay ang isang presidente.
“If you are a president or mayor here, you should not be afraid and you should know how to kill,” aniya.