Digong piniling maging neutral para hindi pagdudahan

IPINALIWANAG ni Pangulong Duterte na pinili niyang huwag mag-endorso ng presidential candidate at manatili na lamang neutral ngayong eleksyon para maiwasan ang mga akusasyon na ginagamit ang resources ng pamahalaan para sa isang kandidato.

“Ang akin kasi eh presidente ako tapos magkampi ako ng isa, magdududa ‘yung iba, ginagamit ko ‘yung resources ng gobyerno, magulo na. If you are a president and you have the resources na nasa beck and call mo, ano man ang gawain mo masuspetya ang tao na ginagamit mo para sa isang kandidato,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Martes ng gabi.

Nauna nang sinabi ni Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagkapangulo bagamat inendorso niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagkabise-presidente.

“Kaya nga wala kaming kandidato, except of course my daughter, so I have to mention her because she is my daughter. Ano man ang dynamics namin sa ‘yung mga party nila, anak ko ‘yan eh,” aniya.