NANGAKO si Pangulong Duterte na hindi papayagan ang terorismo at vote buying sa paparating na eleksyon sa Mayo.
“Magkapartido man tayo o hindi, you just, you know, behave. Do not terrorize the people, the elections must be free and it must be credible,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na dapat ding hulihin ang mga kandidatong may mahigit sa dalawang bodyguard.
“‘Pag kandidato ka, may kasama kang armado, sumobra sa dalawa, it’s a private army. Hulihin mo ‘yung kandidato pati ‘yung mga bodyguard,” aniya.