MAHIGIT 20,000 beses sinubukang i-hack ang website ng Commission on Elections (Comelec) bago at sa kasagsagan ng eleksyon, ayon sa Department of Information and Technology (DICT).
Ibinunyag ni Comelec acting spokesman John Rex Laudiangco na ang mga pagtatangka na i-hack ang automated election system, kabilang ang “election results” website, ay ginawa noong Mayo 8 at 9.
“They were able to prevent and block more than 20,000 attempted attacks on our website. There were lots of attempts to attack the Comelec website, but all of these were prevented by the DICT,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Laudiangco nalaman nito ang ilang internal protocols (IPs) ng mga ibang nagtangkang mang-hack.
Ang IP address ay isang natatanging string ng mga character na kinikilala ang bawat computer gamit ang IP upang makakonekta sa isang network.
“They will be pursuing that in their cybercrime investigation,” ayon pa sa opisyal.
Ani Laudiangco ang DICT ay hindi pa makumpirma kung ang mga pagtatangka ay ginawa sa loob o labas ng bansa, o pareho.