PORMAL nang isinumite ni President-elect Bongbong Marcos, Jr. ang kanyang statement of contribution and expenditure nitong nakaraang halalan.
Sa kanyang SOCE, iniulat ni Marcos na ang nagastos niya ay P623.2 milyon para isulong ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo.
Anya, karamihan sa nagastos niya ay mula cash contributions na nagkakahalaga ng P371.7 million) at in-kind contributions na P251.4 milyon.
Una nang inihayag ng Partido Federal ng Pilipinas ni Marcos na gumastos ito ng P272 milyon sa kampanya.