HANGGANG ngayon ay naniniwala pa rin si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos Jr na siya ang nanalo bilang pangalawang pangulo noong 2016 elections.
Kahit natalo man siya sa protesta matapos ang unanimous decision ng Korte Suprema na si Vice President Leni Robredo ang nanalo sa nakaraang halalan, naniniwala si Marcos na ang pagiging pangalawang pangulo ay hindi talaga plano ng Diyos para sa kanya.
“We spent the last six years studying the problem so we learned many, many things about what happened in 2016. Even if di kami nanalo sa protesta I think we have proven to most, to everyone that it wasn’t the right result. It wasn’t the proper result,” ani Marcos sa isinagawang press briefing sa Cagayan de Oro City nitong Martes.
“But you know to be philosophical about it, I suppose God had other plans for me and (being) vice president was not a part of it,” dagdag pa niya.