PINANINDIGAN ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang hindi pagsali sa gagawing debate ng Comelec sa Marso 19.
Ayon kay Marcos Jr., wala rin namang bagong sasabihin dahil pare-pareho a paulit-ulit lamang ang mga isyung binabnggit sa mga debate.
Anya, mas gugustuhin na lamang niyang mangampanya kaysa sumali sa mga debate, maliban na lamang kung magiging produktibo at constructive ito.
“So if there is a way the debate is actually productive, constructive—that we can talk about policy, we can argue, we can debate as a proper debate, then fine. I would go,” ayon kay Marcos sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“But if you’re going to repeat and repeat the same thing, I’d rather campaign,” dagdag pa nito.
“But if there’s so many debates, pare-pareho na ‘yung tanong, we are not getting anywhere anymore. And if it is going to be that way na pare-pareho na lang and then wala the debate gets personal. What use is that to anyone?” anya pa.