WALANG naramdam na side effects ang TV host-comedian na si Willie Revillame nang bakunahan kahapon kontra-Covid-19.
Aniya “safe na safe” ang itunurok sa kanya na Sinovac vaccine kaya kinumbinse niya ang mga kagaya niyang senior citizen na magpabakuna na rin.
“Proteksyon natin ‘to. Pumayag na po tayo na magpa-inject. Ako heto ho kasi siyempre nag-iingat na rin ho kami dito, kailangan protektado,” sabi pa niya.
Kahapon ay binigyan siya ng unang shot ng Sinovac habang ang ikalawa ay sa Mayo 11.
Kwento niya, dumaan siya sa tamangb proseso bago bakunahan. Ani Willy, 60, nagparehistro muna siya at kumuha ng clearance mula sa kanyang doktor dahil mayroon siyang hypertension.
Samantala, nakapagpabakuna na rin ang radio host na si Tim Yap na gaya ni Willy ay mayroon ding altapresyon.
“Got vaccinated today as I fall under the A3 category due to my hypertension,” chika ni Tim.
Aniya ang pagpapabakuna ay parte ng solusyon para masugpo ang COVID-19.
“We all need to be vaccinated to be part of the solution. It took less than an hour from the time I arrived till I got vaccinated. It was very well-organized and the people from the Taguig LGU and the DOH were extremely helpful, I never felt lost as someone was always there to guide you on the next step till you’re finally inoculated,” ani Tim.
Noong isang taon ay naging matunog ang pangalan ni Tim matapos mag-celebrate ng kanyang birthday sa Baguio City sa kabila ng pagbabawal sa mga social gatherings.