INIREKOMENDA ni Health Secretary Francisco Duque III na bumalik muli sa work from home set-up ang mga manggagawa para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Sinabi ni Duque na sumipa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 matapos ang holiday season.
“We have witnessed this past holiday season how fast, how rapid the rise has been of Covid-19 because of social gatherings,” aniya.
“And because of high social mobility, the interaction between people there was rise. And because of the continued rise in cases these past days, we are calling for a suspension of all mass gatherings,” dagdag ng opisyal.
Hinikayat din ni Duque ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot na.
“Bagamat mas nakakahawa ang Omicron variant, ipinakita ng mga pag-aaral na nanatiling epektibong panangga ang ating kasalukuyang bakuna laban sa nasabing (sakit),” aniya pa. –A. Mae Rodriguez